Alinsunod sa alituntunin ng Feung Shui.

 Alinsunod sa ating mga paniniwala, may mga bagay bagay tayong namana sa ating mga ninuno. Ihahalimbawa ko na ang tamang pag-aayos ng bahay kung saan may tamang lokasyon ang bawat gamit. Ano ano nga ba ito?? Halika po ating alamin at talakayin ang sikreto ng FEUNG SHUI! Ano nga ba ang kahulugan ng Feung shui. Sa aking pagkakaalam, ito ay ang pag balanse ng positibong enerhiya sa pag-aayos ng mga bagay bagay,pisikal man o sa kapaligiran natin. Itong tradisyon na ito ay naman natin sa mga Tsino. Sinasabi nila na may 5 tuntunin (rules) na dapat sundin ang Feung Shui.

Ano ano nga ba ang mga 5 tuntunin na to? 

1. Ang pag-lilinis ng mga kalat para maayos  ang daloy ng positibong enerhiya -

      *ginagawa ito upang manatili ang magaan na pasok ng positive energy sa loob ng ating tahanan. Ang malinis na kapaligiran nagbibigay ng kaaya-ayang pasok ng grasya. Kung malinis ang kapaligiran, nakukuha mo ang positibong enerhiya at nagbibigay ng kagaanan at balanseng pag-iisip at pamumuhay. Lalo na sa mga taong pagod sa trabaho at uuwi ng bahay, kung ang dadatnan nilang tahanan ay malinis, nagpapagaan sa kanilang hapong katawan. Nakakapagbigay rinn ng relaxation sa katawan.

2. Ang pag-sasama sama ng limang Elemento-

      *Ang limang elemento ay ang : KAHOY, SUNOG, EARTH, METAL at TUBIG.

         KAHOY (WOOD) - nag-uugnay sa pagkamalihain at pag-unlad. Nagsisimbolo ng pag taas ng galaw ng positibong bagay at enerhiya.

        SUNOG (FIRE) - Ang sunog o fire ay kumokonekta sa lakas ng pakiramdam o nais (passion) mo maabot. Nag-uumalab ang damdamin na makalikha ng sobrang positibong enerhiya. Kulay pula ang sumisimbolo sa sunog o fire.

        EARTH - ito ay nagpapahiwatig ng katatagan, suporta at kalusugan (sustansya). Kulay dilaw ang nag uugnay sa Earth.

        METAL - inirerepresent nito ang Focus, kaliwanagan at kasunuran.

        TUBIG - Ang tubig ay napakahalaga sa buhay , ito ay kaligtasan ng buhay. Nag-uugnay ito sa lakas, tapang, karunungan at katalinuhan.

3. Prinsipyo o pag- aayos  ng kagamitan- 

        * Dito na pumasok ang tamang lokasyon ng bawat kagamitan sa loob ng tahanan. Kung saan may kasabihan na ang bawat lugar ng apat na sulok ng bahay ay may dapat na pagsadlakan ng kagamitan. Ihalimbawa na natin ang SALAMIN! Ang salamin ay portal ng samut saring negatibong enerhiya, hindi nararapat na iharap ang salamin kung saan nakaharap sa lokasyon ng hagdanan at pintuan.

4. Pag-gamit ng Kulay para maimpluwensyahan ang tamang enerhiya-

        *Ang pag-gamit ng tamang kulay ay indikasyon ng positibong pasok ng enerhiya sa tahanan at sa buhay. Ang pula sumisimbolon ng passion, at excitement.  Dilaw, nag uugnay sa masiyahin at magandang pananaw sa buhay. Green o Berde, nagpapagaan at nagtataguyod ng kapayapaan. Blue o Asul, nagpapagaan at nagpapakalma sa katahimikan at katiwasayan ng pamumuhay. Purple naman ay spiritual na kulay para sa intuition o kutob.

5. Pagpapahusay at pagpapataas ng Good Vibes sa kapaligiran-

       * Ito ay maaaring maipakita sa ibat- ibang pamamaraan. Tulad ng pagkalinga sa kapaligiran, pagpapahalaga sa kung anong meron sa kapaligiran, aktibong pakikilahok sa pangangalaga ng kapaligiran tulad ng pagtatanim ng puno at pag lilinis ng kapaligiran.

Ngayon natalakay natin ang 5 tuntunin ng Feung Shui, nakapulutan natin ng aral ang bawat kahulugan nito. Ito ay gabay lamang upang manatiling positibo ang ating mga pananaw. Sa aking susunod na paksa, tatalakayin natin ang Prinsipyo ng pag aayos ng kagamitan. Sa muli mga kababayan, salamat sa pagbibigay ng oras.

Mga Komento